Advertisers

Advertisers

Brgy. Kapitan binaril-sugatan; salarin todas sa parak

0 5

Advertisers

Sugatan sa pamamaril ang isang bagong halal na barangay chairman kung saan napatay ng mga pulis ang isa sa nagtangkang pumatay dito habang naaresto naman ang kasama nito sa Guipos, Zamboanga del Sur nitong Sabado ng umaga.

Sa ulat ng mga himpilan ng mga radyo dito sa Cotabato City at sa mga karatig na probinsya, ginagamot na sa Mendero Hospital si Jerry Olaier na chairman ng Barangay Poblacion sa Guipos habang naglalakad sa isang kalye sa naturang bayan.

Magkahiwalay na kinumpirma ng Guipos Municipal Police Station at ng Zamboanga del Sur Provincial Police Office ang insidente na nagdulot ng pagkagulat ng mga residenteng sakop ng barangay government na pinamumunuan ni Olaier.



May balak diumanong magkandidato si Olaier sa pagka-presidente ng Guipos Association of Barangay Chairman sa isang eleksyon na nakatakda na ngayong December 15.

Ang Barangay Poblacion sa Guipos ay ang pinakamalaki sa 17 na mga barangay na sakop ng naturang bayan, may populasyon na 21,738 batay sa 2020 census.