Advertisers
Isang empleyado ng Tawi-Tawi Electric Cooperative ang patay at sugatan ang kasama nito ng pagbabarilin habang puputulan ng linya ang isang bahay sa Bongao, Tawi-Tawi nitong Biyernes.
Sa ulat nitong Sabado ng Tawi-Tawi Provincial Police Office sa tanggapan dito ni Bangsamoro regional police director Brig. Gen. Allan Nobleza, agad na nasawi sa naturang pamamaril si Ali Gustami habang malubha namang nasugatan ang kasamang nitong si Nassir Ambutong.
Magkasama ang mga biktima loob ng Mindanao State University-Tawi-Tawi compound sa bayan ng Bongao, kabisera ng Tawi-Tawi, at magsasagawa sana ng line disconnection ng may lumapit sa kanilang dalawang naka-motorsiklong mga lalaki at unang binaril si Gustami.
Sa report, ang mga nakatira na puputulan ng kuryente mayroong malaking utang sa kooperatiba.
Ayon sa ulat ng lokal na pulisya, sunod na pinaputukan ng mga salarin si Ambutong na siyang magsasagawa sana ng line disconnection. Na-airlift na sa isang mas modernong pagamutan sa Zamboanga City si Ambutong dahil sa maselang kalagayan nito, ayon sa inisyal na ulat ng Tawi-Tawi PPO sa PRO-BAR dito.
Wala pang linaw sa mga imbestigador ng Bongao Municipal Police Station kung sino ang mga bumaril sa dalawang empleyado ng electric cooperative na sakop ang Bongao at mga karatig bayan sa Tawi-Tawi.