Advertisers
Ni JOVI LLOZA
BIG blessings ang pagbabahagi ni Maja Salvador at mister na si Rambo Nuñez sa kanilang socmed account.
Ibinida ni Maja na preggy na ito.
Ipinakita rin ang sonogram sa kanilang socmed account.
Kita sa larawan ang kasiyahan ng mag-asawa sa paparating nilang panganay or blessing na maituturing.
Isang magandang regalo nga raw itong nagbunga na ang pagmamahalan nina Maja at Rambo.
Kahit ang ina ni Rambo ay happy at excited na at magkakaapo na kina Maja at Rambo.
Pinutakti ng congratulatory messages ang pagbubuntis ni Maja at halos lahat ay happy sa kanya.
Matatandaan na nung July 31 ay ikinasal sina Maja at Rambo sa Bali Indonesia.
***
Michelle Dee dinagsa ng proyekto, para naring waging Miss U
SA kabila na hindi nakuha o nakopo ni Michelle Dee ang korona sa katatapos lang na Miss Universe ay daig pa nito ang nanalo.
Inulan kasi ito ng offer sa iba’t ibang proyekto.
Proyekto sa telebisyon o film, pagpapatunay ni Michelle na may mga nakikipag-usap sa kanya at kahit endorsement ay nakapila na rin.
Nakikipag-collab na rin ito sa Department of Tourism para i- promote ang kagandahan ng buong Pilipinas.
Tuwang-tuwa si Michelle sa kabila na di siya ang itinanghal na Miss U 2023 ay dama nito ang suporta ng buong bansa.
Kung lovelife naman ay bukas din si Michelle kung sinuman ang dumating.
Well, well, well…’Yun na!