Advertisers

Advertisers

Jhassy may blessings ang pakikipag-loveteam ni John Heindrick sa iba

0 10

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

NAKILALA ang award-winning actress na si Jhassy Busran sa tandem niya sa matinee idol na si John Heindrick.

Katunayan, nagkaroon sila ng following nang mabuo ang love team nilang JhasDrick na kinakiligan sa Meta na napanood noon sa FB seryeng “Roommate.”
Nagkasama rin sila sa romantic movie na “Home I Found In You” na idinirehe ng acclaimed filmmaker na si Gabby Ramos.



Ngayon, isa na si John sa talents ng NET25 Star Center kung saan itinatambal siya sa newbie na si Bo Bautista.

Ayon sa bida ng “Unspoken Letters”, masaya raw siya para kay John sa career decision nito.
“Actually, kami naman po ni Heindrick, napag-usapan na po namin iyon. Darating naman po talaga iyong panahon na mag-e-explore kami o puwede kaming i-partner sa iba. Pero sa amin naman po, ano man po iyong career decision namin, suportado namin ang isa’t isa,”paliwanag niya.
Dagdag pa niya, wala rin daw siyang selos na nararamdaman sa ka-partner ni Heindrick na si Bo na anak nina Romnick Sarmenta at Harlene Bautista.

“Wala naman pong nagbago sa amin ni Heindrick. We’re still the best of friends. Suportado namin ang isa’t isa. We have each other’s back whatever happens,” bulalas niya.
Nilinaw din niya na hindi pa buwag ang tambalan nilang JhasDrick ni Heindrick.
“Puwede pa rin po kaming gumawa ng project as a love team. May kasunduan po kami na come what may, patuloy ang suporta namin sa isa’t isa,” sey niya.

Thankful din si Jhassy dahil nabigyan siya ng pagkakataon na maipakita ang galing sa pag-arte sa pelikulang “Unspoken Letters” kung saan ginagampanan niya ang papel ni Felipa, isang 17-year old girl na may autism spectrum disorder (ASD)

“Nag-research po talaga ako for my role. Nag-observe po ako ng mga taong may ganoon pong intellectual disorder at iyon po ang naging peg ko sa aking role,” lahad niya.
Mula sa produksyon ng Utmost Creatives at sa direksyon nina Gat Alaman at Paolo Bertola, ang nabanggit na family drama ay palabas na sa mga sinehan simula sa Disyembre 13.

Tampok din sa “Unspoken Letters” sina Tonton Gutierrez, Glydel Mercado, Gladys Reyes, Matet de Leon, at Simon Ibarra. Nasa supporting cast naman sina Deborah Sun, Orlando Sol, John Hendrick, Kristine Samson, MJ Manuel, at Daria Ramirez.