Advertisers

Advertisers

Glaiza emosyonal na ipaaagbibili ang minahal na bahay sa Baler

0 4

Advertisers

Ni Beth Gelena

Ipinagbibili na ni Glaiza De Castro ang holiday home ng kanilang pamilya sa Baler, Aurora, na ilang taon ding naging bahagi ng kanilang mahahalagang alaala.

Sa isang social media post, ikinuwento ng Kapuso actress at singer ang sentimental value ng property na binili niya noong 2018.



“Some places are more than just a property. They become part of the family,” saad ni Glaiza.

“In 2018, I bought a holiday home in Baler, Aurora. At the time, it was simply a place where we could escape, slow down, and spend time together,” aniya.



Sa paglipas ng panahon, naging lugar ito ng kanilang mga birthday, celebration, long weekend at simpleng pagsasama-sama.

Mas lalo rin niyang napahalagahan ang Baler noong pandemya dahil sa tahimik na pamumuhay, magandang paligid at mainit na komunidad nito.



“During those quiet months, I discovered a deeper appreciation for the province—the slower pace, the beautiful surroundings, the warmth of the community, and the simple joy of being together,” pagbabahagi niya.

Kalaunan, inayos at pinaunlad ng pamilya ang property at ginawa rin itong accommodation para sa mga bisita sa pamamagitan ng Airbnb.

“It was incredibly special to see other families and friends create their own memories there,” saad niya.

Ngayon, nagbago na umano ang kanilang mga prayoridad at may mga bagong planong hinaharap ang pamilya kaya napagdesisyunan nilang ibenta ang property.

“Our priorities have shifted and new plans for the future are taking shape,” paliwanag niya.

“So, with a little bit of sadness—but also with a lot of gratitude—we are offering our beloved holiday home in Baler, Aurora for sale,” aniya.

Umaasa si Glaiza na mapupunta ang bahay sa isang may-ari na makikita rin ang halaga nito bilang isang lugar na puno ng warmth, character at potensyal na makalikha ng panibagong mga alaala.

“We have made so many memories here, and now we are ready to pass the keys—and the opportunity to create many more—to someone new,” saad niya.

Sa huli, may mensahe siya para sa posibleng bagong may-ari: “Maybe the next chapter of this home is meant to be yours.”