Advertisers

Advertisers

Bea sobrang kilig sa wifey life

0 24

Advertisers

Ni Beth Gelena

Nakapanayam si Bea Alonzo ng isang prestigious magazine na in-upload na mismo ang video sa kanilang official YouTube channel na agad humatak ng 1M views in less than a week.

Muling pinatunayan ni Bea ang hatak niya sa publiko matapos maging most-viewed video upload sa official YouTube channel ang kanyang panayam sa publication.
Sa loob lamang ng wala pang isang linggo, umabot na sa isang milyon views ang interview, dahilan para manguna ito sa lahat ng video uploads ng nasabing magazine.



Ang panayam sa aktres ay tungkol sa bagong yugto ng kanyang buhay bilang may asawa — relasyon nila ni Vincent Co, mga plano nilang pamilya, at ilang kuwento sa likod ng kanyang mga sikat na pelikula.

Paano nagsimula ang relasyon nila ni Vincent Co?



Ani Bea, una silang nagkakilala ni Vincent noong 2019 sa pamamagitan ng isang common friend. Nang panahong iyon, mayroon siyang co-ownership sa Dean & DeLuca restaurant na pinuntahan ni Vincent. Pero hindi raw agad nagkaroon ng romantic spark sa kanilang unang pagkikita.
Aniya, “Sparks didn’t fly instantly for us. It wasn’t an instant thing, but we remained friends.”
Nagkakilala raw sila bilang magkaibigan at muling nagkaroon ng koneksyon noong 2024. Doon nagsimula ang bagong kabanata ng kanilang relasyon.

Ibinahagi rin niya na kahit ordinaryong gawain lamang ay nagbibigay na sa kanya ng excitement ngayon sa piling ni Vincent.



Isa sa mga paborito niyang sandali ay ang pag-inom nila ng kape ni tuwing umaga bago ito pumasok sa trabaho.
“Everything makes me giddy these days.”

Naging topic din nila ng interviewer ang pagkakaroon ng sariling pamilya.
Nang tanungin kung ilan ang gusto nilang maging anak ng kanyang hubby, pabirong sagot ng aktres, “As many as we could. We’re taking baby steps for now. One day at a time.”
Excited din daw siyang maranasan ang Pasko balang araw na kasama ang sarili nilang anak ni Co. Nakasanayan din daw niyang magbakasyon sa ibang bansa pagkatapos ng Noche Buena bilang reward sa sarili matapos ang isang taong pagtatrabaho, pero ngayong may asawa na siya, sa Pilipinas muna siya mananatili dahil abala si Vincent sa negosyo nito tuwing holiday season.

Plano rin niyang mag-decorate ng kanilang bahay at mag-host ng dinners para sa kanilang mga kaibigan.

Nagbahagi rin si Bea ng mga kuwento sa likod ng ilan sa kanyang iconic movie lines, mula sa pelikulang One More Chance, at iba pang pelikula. Mapapanood o mababasa ang buong panayam kay Bea sa PeopleAsia Cover Story?