Advertisers
Ni Favatinni San
PAGMAMAHALAN nina Konsehala Aiko Melendez at Onemig Bondoc, pinagduduhan?
Hindi natin alam na may nakaraan ang dalawa, inisnab ni Aiko si Onemig e sikat din si Uno (palayaw ni Onemig)… kung sinu-sino ang naugnay sa kanya. Susme, ang sikat na youth oriented TV show na TGIS.
Ano ang ginagawa ng isang rich boy like Uno sa syobis.
Samantala, si Aiko ay mula sa pagiging child star, teenager up to now, sikat dahil popular actor ang yumaong ama. Naging public servant at ang haba rin ng buhok dahil sa makulay ang kanyang personal na buhay.
Oppss, naghahanda na ang dalawa para sa pag-iisang-dibdib. ‘Di ba, humingi ng permiso kay daddy Jim sa kanyang puntod si Uno para sabihin niya kay Aiko, “Will you marry me.”
Cute ang pagba-blog ng dalawa kaya’t muling nabalikan ang nakaraan.
Si Aiko ay okey namang magmahal muli at tanggap ng kanyang mga anak na sina Andrei at Martina ang planong pagpapakasal.
Si Uno, annulled na rin ang kasal niya (may dalawang anak din). Owww, may pipigil ba?
Puwes, hintayin natin kung kailan ang kasal. Muling napatunayan, na love is sweeter the second time around. Inggit much ang mga bashers.
WHAM ILAGAN, BAKLANG ALAMAT NG BATANGAS
WALANG hindi nakakilala Kay WHAM ILAGAN. Sa larangan ng pagpapaganda, e number one siyang hairstylist at make-up artist. Radio broadcaster din siya noon sa kanilang lalawigan sa Batangas.
Tumatak din sa masa ‘yung pagiging Corazon (yes Thalia telenovela) ni Wham sa TV show na Katok mga Misis. E, si Giovanni Calvo (RIP) ang kanyang mentor.
Imagine, ilang dekada na si Wham at kahit nagbago ng Presidente ay ‘di nagbago ang ugali niya.
Naku, we enjoy his vlog… ow ‘di siya napag-iwanan ng panahon.
WHAM we greet you a happiest birthday. Enjoy every moment to the fullest.