Sheryl Cruz pinarangalan Sa 7th Laguna Excellence Awards ng Outstanding Actress & Entertainment Icon Award
Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
OPEN pa rin si Sheryl Cruz na makatrabaho sa pelikula o magkaroon sila ng reunion movie ng dating ka-loveteam na si Romnick Sarmenta.
Ang huling pelikulang ginawa nila ay ‘yung Kung Tayo’y Magkakalayo na ipinalabas noong 1993 pa.
“Wala naman akong problema ru’n (na makatrabaho ulit si Romnick). Alam ‘yan ni ateng Rams (her manager).
“Actually siguro, scheduling, and the right project.
“‘tsaka siguro ‘pag may magandang istorya, at maayos na budget.
“Kasi hindi naman ‘yan basta-basta pwedeng madalian.
“Reunion film,’di ba mas maganda ‘yung malakihan?”
Samantala, single pa rin hanggang ngayon ang mahusay na singer-actress. Hindi pa rin siya pumapasok sa isang relasyon.
Pero aminado siya na nakikipag-date siya.
“I’m single, ‘di ba? So I can see many guys as I want to.
“Wala pa (siyang napipili) becauase ‘di ba, I have to be very very selective?
“After everything I’ve done during the past,I’m very selective and be careful also,”
Nakausap namin si Sheryl after siyang parangalan sa 7th Laguna Excellence Awards ng Outstanding Actress & Entertainment Icon Award.
Congratulations Shery!
***
TULUYAN nang nagpaalam ang mga housemate na sina Calix Esguerra at Ethen Benares sa “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab 3.0”.
Sila ang unang evictees sa naganap na eviction night kagabi, November 14.
Hindi pinalad sina Calix at Ethan na makuha ang sapat na suporta mula sa publiko kaya sila ang nakakuha ng pinakamababang boto sa kani-kanilang grupo ng mga nominado.
Kasama nila sa unang eviction battle sina Kapamilya housemates Primo Alterado at Nathan Garcia, gayundin ang Kapuso housemates na sina Nicole Fortuna at Mikee Quintos.
Sa huli, ligtas sa eviction sina Primo at Nathan mula sa Kapamilya group, habang sina Nicole at Mikee naman ang nagpatuloy sa kanilang PBB journey mula sa Kapuso side.