Advertisers

Advertisers

HVI, DINAKIP SA P6.8-M SHABU, SA PASIG!

0 5

Advertisers

Isang bagong tuklas na High-Value Individual (HVI) ang dinakip sa buy-bust operation sa Pasig City noong Setyembre 26, kung saan nakumpiska ang 1 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon.

Naganap ang pagsalakay dakong 5:20 ng hapon sa tapat ng McDonald’s sa C. Raymundo Avenue, Brgy. Caniogan.



Ang nadakip ay alyas “AMO”, 22 anyos, walang trabaho, at nakatira sa Brgy. San Joaquin, Pasig City.

Nasamsam ang anim na supot ng shabu, timbangan, sling bag, motorsiklong Honda Click, at ginamit na pera sa operasyon.

Isinagawa ito ng Pasig CPS kasama ang SDEU, Intelligence Section, SWAT, at PCADAO.

Ayon kay PBGen. Roman Arugay, patuloy ang mahigpit na pagpapatupad laban sa iligal na droga. Nakahanda na ang kasong laban sa suspek sa ilalim ng RA 9165. (Edwin Moreno)