Advertisers
PERSONAL na ipinaabot ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang P50,000 cash relief assistance para sa trafficking victim na si Mary Jane Veloso at kaniyang pamilya.
Batay sa pahayag ng DSWD sa kanilang Facebook page nitong Linggo, Setyembre 27, bukod sa cash relief assistance, sumailalim din si Mary Jane at ang kaniyang pamilya sa assessment para magkaroon ng sari-sari store sa pamamagitan ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng ahensya.
Ginawaran ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng ‘absolute pardon’ si Mary Jane noong Biyernes, Setyembre 25, matapos ang 15 taon niyang pagkakabilanggo sa Indonesia noong Abril 2010 at paglipat sa Correctional Institution for Women Disyembre 2024.
Sa kabilang banda, na-nawagan ang grupong Akbayan noon ding Biyernes na bigyan ng maigting na proteksyon ang Overseas Filipino Workers (OFWs) laban sa mga pang-aabuso.
(Boy Celario)