Advertisers

Advertisers

MAY “SABLAY” ANG RA 12022

0 28

Advertisers

NAGING batas ang RA 12022 (Agricultural Economic Sabotage Act) noong 2024, batas na inaaahang magbibigay ng “takot” sa mga smugglers dahil sinasabing mas “mabangis” ito sa RA 10845 (Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016), na nagdeklara rin na ‘economic sabotage’ ang smuggling.

Kung pagkumparahin ang dalawang batas, mistulang “mas maasim” ang RA 12022 hindi lang dahil sa dami ng probisyon nito (30 Sections kumpara sa 10 Sections ng RA 10845) bagkus, dahil na rin sa bumuo ito ng isang “Super Council,” ang ‘Anti-Agricultural Economic Sabotage Council’ na mayroon pang ‘Advisory Board’ at sarili nitong “Enforcement Group,” ang ‘Anti-Agricultural Economic Sabotage Enforcement Group.’

Sa ganang atin naman” Hindi nakukuha sa “paramihan” ng seksyon o “laki” ng burukrasya ang isang batas para masabing epektibong matutupad ang layunin nito.



Noong Setyembre 22, ibinida ng Bureau of Customs na anim na kaso ng smuggling ang isinampa nito sa Department of Justice. Pero alam ba ninyo kung saan nakabatay ang kaso?

Hindi sa RA 12022 nag-amyenda sa RA 10845 bagkus, sa RA 10863 (Customs Modernization and Tariff Act of 2016).



Yes, dear readers, “nakaangkla” ang kaso sa customs law na “pinagtatawanan” lang ng mga smuggler at mga korap sa gobyerno dahil kulang ito sa “ngipin” kaya nga ipinasa rin noong 2016 ang RA 10845 at inamyendahan pa ng RA 12022 noong 2024.

Hmm. Hindi ba “alam” ni Customs Commissioner Ariel Nepomuceno ang RA 12022? Dapat bang “tamang hinala” sa kasong isinampa batay sa RA 10863 para sadyang “mahina” ang kaso?



Excuse me. Hindi lang alam, bagkus, “kabisado” ni Comm. Ariel ang RA 12022 na sa sobrang “talino” ng mga umakda, HINDI isinama ang BOC sa Super Council nito at kahit sa Enforcement Group nito.

Mantakin ninyo yan, ang sentrong ahensiya ng gobyerno laban sa smuggling, hindi kasama sa Enforcement Group, aguy! ‘Andun ang NBI, PNP at Coastguard pero ang BOC? Waley.

Ang nakalagay lang ay ‘Department of Finance.’ Eh, paano kung ang i-designate ng Finance Secretary ay ang BIR o Bureau of Treasury, may magagawa ba si Comm. Ariel? At kahit sa pag-isyu ng ‘LOA’ (letter of authority) wala ring “papel” ang Customs, ngek!

At hindi ba nakakahiya, Finance Secretary Frederick Go na para magamit ng BOC ang RA 12022 upang “maturuan ng leksyon” ang mga smugglers, “makikiusap” pa ito sa NBI o PNP para sila ang magsampa ng kasong economic sabotage?

Ano ba naman yan, mga bosing, hays!