Advertisers

Advertisers

RISA KONTRA POGO, CHINA

0 26

Advertisers

ITINURING si Risa Hontiveros bilang pinakamatinding kalaban ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) at China sa Senado. Hindi mababali ang ang kanyang paninindigan sa dalawang usapin na patuloy na bumabalot sa bansa.

Nanindigan si Risa sa total ban, o tahasang pagbawalan ang lahat ng POGO na pumasok sa bansa at magkaroon ng operasyon – hayag o lihim – ang mga kompanyang pasugalan na ari ng mga dayuhan, partikular na mga Tsino. Hindi pumapayag si Risa na isailalim sa regulasyon ng gobyerno ang mga POGO.

“Sila ang hotspot of fugitives, o lungga ng mga kriminal,” ani Risa sa isang pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality sa isang pagsisiyasat sa mga isyu ng POGO tulad ng human trafficking, illegal detention, torture, murder, prostitution, at forced labor sa mga scam hub sa loob ng mga POGO compound sa Bamban, Tarlac at iba pa.



Kasama ni Risa sina Sherwin Gatchalian, Joel Villanueva, Pia Cayetano, at Raffy Tulfo sa pagpasa bilang batas ng RA 12312, o Anti-POGO Act of 2025 na nilagdaan ni BBM bilang batas noong ika-23 ng Oktubre, 2025 . Isinantabi ng bagong batas ang RA 11590 na ginawang legal ang pagpasok at operasyon ng POGO sa bansa.

Sa pananaw ni Risa, matagal ng dapat iniwasto ng pamahalaan ang polisiya sa mga kompanyang POGO. Masyadong pinabayaan ng administrasyon ni Gongdi ang mga POGO at totoong naging abusado sila. Malaking perwisyo ang kanilang pananatili at paglago sa bansa.



Dahil sa mga POGO, biglang dumami ang kidnapping, human trafficking, at prostitusyon, ani Risa. Abot sa P50 bilyon ang buwis na hindi nila nabayaran sa gobyerno.Dahil sa bagong batas na nagbabawal sa mga POGO, napilitan na umalis ang mga POGO, ani Risa.

Hindi natuwa si Risa sa China tulad na pangangamkam ng ilang bahagi ng West Philippine Sea. Kontra si Risa sa patakaran o polisiya ni Gongdi na appeasement, o pagbigyan ang Peking sa kanilang kahilingan at kagustuhan sa West Philippine Sea, lalo na ang bahagi ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa.



Pag-aari ng Filipinas ang West Philippine Sea, ani Risa. Marapat lang lumayas ang sugo ng China, at mga sasakyang dagat ng Intsik sa pamamalagi sa karagatang ng Filipinas at EEZ. Isang haragang bansa ang China, aniya. Kinokondena ni Risa ang ginagawa ng mga Intsik sa mga sasakyang dagat ng Filipinas sa West Philippine Sea.

Iginiit ni Risa na kailangan magbayad ang Peking ng P200 bilyon bilang bayad pinsala sa kanilang paninira at pagnanakaw sa yamang dagat ng Filipinas sa EEZ. Isinumite ni Risa ang Senate Resolution 85 at 369 upang hingin ni BBM na dalhin sa pandaigdigang kapulungan upang pigilan ang China sa kanilang masamang gawai.

“China owes at least P200 billion for reef ecosystem damage over six years. It should foot the country’s COVID-19 response bill as reparation. China should foot the Philippines’ COVID bill,” aniya. Maraming kasalanan ang China sa Filipinas, aniya.

“Insulto sa bansa ang pananatili ng mga sasakyang dagat ng China sa ating karagatan,” aniya. Hindi nila pag-aari ang West Philippine sea, aniya.

***

HINDI nakakabahala kung lumantad si Baste Duterte, alkalde ng Davao City, sa Senate Impeachment Court (SIC). Hindi siya magaling at mukhang isa rin siya na taga-Davao City na walang itinatagong galing. Mas nakakabahala kung si Sonny Trillanes, dating senador, ang dumating, sumumpa, at magbigay ng pahayag.

Ayon sa kampo ng mga taga-usig o prosekusyon, maraming detalye ang ibubunyag ni Trillanes sa sandaling siya ang masalang sa witness stand. Hindi nila binanggit kung ano ang hawak na baraha ni Trillanes kontra kay Misfit Sara at pamilya Duterte. Ayon kay Deputy Speaker Paolo Ortega V, marami pa siyang hawak na dokumento at katibayan upang patunayan ng ginamit ni Misfit ang poder upang magkamal ng itinatagong yaman.

“Yung napresinta po niya during the House committee hearings ay limited pa nga po ‘yun. Hindi pa na-allow lahat nung mga gusto niyang ipresinta kasi he was working under an hour sa time limit niya,” ani Ortega. Pinaniniwalaan nila si Trillanes.

“Kung matatandaan niyo nung inexpose niya ‘to 10 years ago, eight years, nine years ago, parang wala nga pong naniniwala eh. Wala nga pong parang nagnanais na, kumbaga they wouldn’t touch that part of his testimony until na umabot po sa Quad Comm, sa Blue Ribbon committee. Then people started looking at it more deeply. Ngayon, umabot na tayo dito sa impeachment,” aniya. ”

At doon pa lang po sabi ko nga eh nag-corroborate na po lahat ng mga nilabas na impormasyon ni former Senator Trillanes. At hindi ako magtataka sa haba-haba ng krusada niya, hindi rin po ako magtataka kung mayroon pang dagdag,” aniya.