Advertisers

Advertisers

Derek awat muna ang lovelife

0 10

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

Masaya ngayon si Derek Ramsay kahit hiwalay siya sa ex na si Ellen Adarna.

Aniya, ang mundo raw niya ay umiikot sa anak na si Lili.



Happy na raw siya na nahihiram niya at nakaka-bonding ang unica hija.

Sa mga nangyari sa kanila ni Ellen, wala raw naman siyang regrets.



Gayunpaman , may lessons daw naman siyang natutunan.

Aminado rin siyang ang pinamatinding dagok na kanyang naranasan ay nang maghiwalay sila ni Ellen.



Nakaya raw niya ang lahat dahil sa support system ng kanyang mga magulang at mga kaibigan.

Ayaw din niyang pag-usapan ang tungkol sa diumano’y annulment nila ng ex.

Hirit pa niya, ayaw din daw niyang patulan kung may mga patutsada man sa kanya ang dating partner.

Dedma rin daw ito sa pagfli-flex ni Ellen ng pera ng sustento ni John Lloyd Cruz kay Elias.

Dagdag pa niya, mahigit na isang taon na wala raw siyang idini-date na babae.

Choice raw niya ito dahil mas focused siya sa co-parenting with Ellen sa anak.

Unfair din daw sa babae kung magdyodyowa siya dahil baka hindi niya maibigay nang buo ang kanyang panahon.

Kung sakaling magkaka-girlfriend daw siya, mas preferred daw niya ang non-showbiz at kung galing man sa showbiz ay handang talikdan ng girl ang limelight tulad niya.

Inamin din ni Derek na nagseselos siya sa kanyang mga magulang dahil successful ang marriage life ng mga ito kumpara sa kanya na laging nauuwi ang relasyon sa hiwalayan.

Dagdag pa niya, gusto rin daw niyang I-devote ang time niya sa kanyang mga magulang lalo pa’t nasa dapithapon na ang mga ito ng kanilang buhay.

Tungkol naman kay Lili, di raw niya bet na sumabak ito sa pag-aartista.

Gayunpaman , kung hilig daw nito ang pag-arte, wala raw naman siyang choice kundi suportahan ito sa kundisyong tatapusin muna nito ang kanyang pag-aaral.

***
MTRCB, MWSS-RO magtutulungan sa tree-planting, climate change

BILANG bahagi ng whole-of-government na tugon sa climate change, magsasagawa ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng tree-planting activity kasama ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System Regulatory Office (MWSS-RO).

Nilagdaan ni MTRCB Executive Director II Roberto Diciembre at MWSS-RO Chief Regulator Atty. Patrick Lester Ty ang isang Memorandum of Agreement (MOA) noong Martes, 22 Setyembre 2026, sa tanggapan ng MWSS-RO sa Lungsod Quezon.

Ang tree-planting ay isasagawa sa Ipo Dam Watershed sa Norzagaray, Bulacan sa Biyernes, 25 Setyembre 2026. Ito ang magiging ambag ng MTRCB sa proyektong “29,000 Trees for 29 Years.”

Sabi ni Diciembre na kinikilala ng Ahensiya ang masamang epekto ng climate change sa mga komunidad, sa kalikasan at sa kaunlaran ng bansa.

“We seek to contribute to the national effort in addressing climate change by promoting awareness among MTRCB employees and stakeholders through this tree-planting activity and other related initiatives that will integrate sustainable practices,” sabi ng MTRCB Executive Director.

Diin naman ni MTRCB Chair at CEO Lala Sotto, ang climate change ay isa sa mga pinakamabigat na isyung pandaigdig at hindi lamang ang kalikasan ang apektado rito.

“By doing our part in reforestation and environmental protection, we do not just plant trees today for our benefit, but also for the future of our children – especially as our country grapples with the impact of extreme weather conditions,” sabi niya.

Nagpasalamat si Ty sa suporta ng MTRCB sa environmental protection advocacy ng MWSS-RO at sa mga hakbang upang protektahan ang kalikasan.

Hinikayat niya ang mga Pilipino na makibahagi sa mga inisyatiba gaya ng tree-planting, upang mapanatili ang kalinisan at pagiging luntian ng mga watershed ng bansa.

“I was saying earlier that for a person to achieve immortality, it’s either you have kids, you write a book, or you plant trees. I think the easiest one there is to plant trees. Let’s do our part to help protect the environment,” dagdag ni Ty.

Mula 2023, nagtree-planting na ang MTRCB at iba pang kaugnay na aktibidad, kasama ang iba pang mga tanggapan ng pamahalaan at stakeholder, bilang bahagi ng climate change mitigation effort ng Ahensiya.