Advertisers

Advertisers

PALASYO BINUKSAN SA PUBLIKO

0 4

Advertisers

BINUKSAN sa publiko ang palasyo ng Malacañang para sa Family Day Celebration.

Ito’y nagbigay-daan sa libu-libong mamamayan para sa libreng checkup o LAB for all, Bagong Pilipinas Serbisyo Fair, at Kadiwa ng Pangulo caravan bilang bahagi ng pagdiriwang.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Pangulong Marcos na ang pagdiriwang ng Office of the President (OP) Family Day ay kanyang paraan ng pasasalamat sa mga kawani na buong pusong naglaan ng karamihan ng kanilang oras sa paglilingkod sa gobyerno.



Sa nasabing aktibidad, may mga nanalo naman ng multi-purpose electronic o e-bikes at 10 housing units mula sa National Housing Authority (NHA).

Ang OP Family Week ay isang taunang pagdiriwang na naaayon sa matagal nang tradisyon na itinatag noong 1992 matapos ideklara ni dating Pangulong Fidel Ramos ang huling linggo ng Setyembre kada taon bilang Family Week bilang pagkilala na rin sa kahalagahan ng pamilya at sa seguridad na ibinibigay nito.

Nagtagal ang Family Day hanggang nitong Linggo, ika-3 ng Disyembre. (Gilbert Perdez)