Advertisers

Advertisers

2 nasawi sa magnitude 7.4 lindol sa Surigao del Sur

0 4

Advertisers

Nasawi ang dalawa katao sa magnitude 7.4 lindol na yumanig sa Hinatuan, Surigao del Sur noong Sabado ng gabi.

Ang mga nasawing biktima mula sa Bislig, Surigao del Sur at sa Barobo.
Magugunitang inuga ng malakas na lindol ang ilang bahagi ng Mindanao 10:37 ng gabi noong Sabado, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon kay Office of Civil Defense-Caraga director Liza Mazo, kapwa nabagsakan ng gumuhong pader ang mga biktima.



Siyam naman ang nasugatan ngunit hindi naman kritikal ang kanilang kondisyon.

Ayon pa sa PHIVOLCS, nasa 1,700 aftershocks na ang naitala kasunod ng naturang lindol.



Ayon kay PHIVOLCS director Teresito Bacolcol, asahan ang mas marami pang aftershock sa mga susunod na linggo pero maaaring mas mahina na ang mga ito.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">