Advertisers

Advertisers

DOTr nanindigan sa Dec. 31 deadline ng jeepney consolidation program

0 3

Advertisers

NANANATILI ang Department of Transportation sa kanilang deadline para sa Jeepney Consolidation na December 31.

Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, ang nasabing consolidation ay malaking tulong para maging maayos ang operasyon ng transport sector sa bansa.

Muling nilinaw ni Bautista na walang magaganap na pag-phase out ng mga traditional jeep basta ang mga ito ay sumunod sa itinakdang standard ng gobyerno.



Matatandaang inireklamo ng ilang transport group ang modernization program ng gobyerno dahil sa masyado umanong mataas ang presyo nito kumpara sa mga tradisyonal na pampasaherong jeepney.