Advertisers
HINATULAN ng hanggang walong taong pagkabilanggo ang isang person deprived of liberty (PDL) nang maghain ng ‘guilty plea’ bilang accessory sa pagpatay sa radio broadcaster na si Percy Lapid.
Dahil sa inihain na guilty plea sa Las Pinas RTC, ipinataw ni Judge Harold Hulinganga ang hatol na dalawa hanggang walong taon pagkakulong laban sa PDL na si Denver Mayores.
Sinabi ng Department of Justice na ang desisyon ng korte ay pagkilala sa iginigiit ng kagawaran na nagsabwatan sina dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag at deputy security officer Ricardo Zulueta sa pagpatay kay Lapid.
Magugunita na tatlong PDL sa New Bilibid Prisons ang unang hinatulan narin ng pagiging accessory sa Lapid murder. Sila ay sina Aldrin Galicia, Alvin Labra, at Alfie Peñaredonda.
Hinatulan ang tatlong PDL sa pagpatay sa kapwa PDL na si Cristito Villamor Palana alyas Jun Villamor, ang sinasabing nagsilbing middlemen sa pagpatay kay Lapid.
Ang sunod-sunod na mga paghatol sa mga akusado ay itinuturing ng DOJ na critical point sa pagkamit ng hustisya sa high-profile murders nina Lapid at Villamor.
Tiniyak ng DOJ na mananatilli ang pangako nito na mananaig ang rule of law at sisiguruhin maipatutupad ang patas na legal process sa mga nabanggit na kaso.