Advertisers

Advertisers

Isa sa POIs sa Marawi bombing graduate ng MSU

0 3

Advertisers

ISA sa persons of interest (POI) sa pambobomba sa gymnasium ng Mindanao State University ay dating estudyante rito.

Nabatid na si Kadapi Mimbesa alias “Engineer”, natukoy na kabilang sa mga nasa lugar nang mangyari ang pagsabog, ay estudyante ng MSU at kaga-graduate lamang.



Kilala si Mimbesa bilang mabuting tao, kungsaan nang mangyari ang pagsabog ay nakita itong tensyonado at busy sa kanyang cellphone.

Sa CCTV footage, makikita itong umalis sa gymnasium 9:00 ng umaga ng Linggo, na sinundan ng isa pa sa mga POI na si Arsani Membisa alias Khatab, 20 minuto bago ang pagsabog.

“Bago nangyari yung pagsabog ay nakita po sila, itong dalawa nating POIs, na papalabas ng MSU at yung mismong yung isang POI natin ay it appears na tumawag po siya gamit yung cellphone niya. That might have triggered po itong pagsabog at immediately umalis kaagad agad sila ng MSU pagkatapos po nilang gumamit ng telepono,” ani Philippine National Police spokesperson Colonel Jean Fajardo.

“Yung isa mga POI po natin, nakita rin po sa backtracking na umalis na po sila papalabas ng MSU,” dagdag pa niya.

Ang dalawang persons of interest at ang ikatlong hindi pinangalanan ay miyembro ng terrorist group na Daulah Islamiyah-Maute at may outstanding warrants of arrest.



Wanted si alias Khatab sa murder.

Si alias Engineer naman ayeksperto sa paggawa ng improvised explosive devices (IED).

Nagpapatuloy ang manhunt operations ng mga awtoridad sa iba pang nasa likod ng karumal-dumal na krimen.

Nag-alok na ang pamahalaan ng karagdagang pabuya sa makapagtuturo sa posibleng kinaroroonan ng mga suspek, dagdag pa sa P600,000 pabuya para kay alias Engineer.