Advertisers
Ni BETH GELENA
IMBIYERNA si Jessy Mendiola sa namba-bash sa kanya dahil sa pagpost niya ng kanyang sexy photos sa Instagram.
Bumalik na kasi ang magandang katawan ng sexy aktres after niyang manganak pagkatapps ng halos mag- iisang taon.
Ang tagal din bago bumalik sa dati ang magandang pangangatawan ni Jessy.
Mag-iisang taon na si Peanut kumbaga.
Kamakailan ay pinost ni Jessy ang kanyang balik-alindog kung saan napa-wow pa nga ang mister niyang si Luis Manzano.
Pero, ang netizen ay hindi nagustuhan ang pagpost ng aktres.
Binash niya ang celebrity mom.
Aniya: “May anak ka na at asawa dapat hindi ka na nagpopost pa ng ganyang klaseng mga photos. Mahiya ka naman kay Luis at kay Star For All Seasons.”
“Bumalik lang sa dati ang katawan mo pinost mo agad sa iyong socmed account.. Nasabik ka noh??”
Hindi naman nagustuhan ni Jessy ang clapback ng netizens sa kanya.
Aniya, kung si Luis nga raw na mister niya ay sinusuportahan siya ay um-agree sa kanyang bagong posted photo at hindi naman daw niya hinihingi ang reaksyon ng mga netizens.
Kaya hindi maiwasang tarayan ni Jessy ang bashers.
“korek jessie! hello its soon to be 2024!!!”
“Ang hirap mag diet at mag exercise so flaunt all you want if that can make you happy. Sa kagaya kung mahilig lumapang nakakabilib yung may self discipline.”
“Bat ba hindi na pwede maging hot kung nanay na? Ano yun, losyangers lang ang peg?”
“Kudos to Jessy, mahirap mag-lose ng post pastum fats ha!”
“Ganun talaga pag pinost mo publicly eh open ka na to be praised or be attacked. Kung sensitive ka. Itago mo na lang. Syempre di naman lahat liberated mag isip o umunawa.”
“May point naman si tita jessy.. y are people so offended ba kasi? pero LOL mas napansin ko yung tinakpan yung name pero dun sa reply hindi tinakpan yung handle name”
“Ano kba. Simpleng galawan un. Kahit ako gagawin ko un, para kuyugin at mahimasmasan ang basher. Inggitera kc un”
“Grabe ang inggit sa katawan nung basher. Go lang Jessy, post ka lang and be an inspiration to many moms. Hindi madaling maging fit and fab after giving birth to a little human. And hello baby Peanut, you are such a cutie!”
***
MAY pinost na BTS video si Luis Manzano ng partisipasyon niya sa ABS-CBN’s Christmas ID.
Sa viral video, nakunan ang TV host ng kanyang iconic “walk” kung saan nagtawanan ang kanyang co-hosts sa kanyang ginagawa.
Luis wondered why his “walk” had not been included in the official video.
Aniya: “Ang mga kaganapan sa likod ng Station ID! Bakit hindi kaya ginamit yung lakad ko?”
Si Luis na rin ang sumagot
“Wag pilitin ang ayaw”
Natawa naman si KC Concepvion sa tinuran nito.
“HAHAHAHA ayaw nila paps, wag pilitin ang ayaw.”
Samantala, may latest QnA vlog si KC tungkol sa first dates tungkol sa kung sino ang magbabayad sa first date, ang babae ba?
Upon hearing the question, KC immediately said no, stating, “Not for me! No way.” However, KC did mention KKB is fine, and that treating a guy is fine if the woman was the one to ask them out.
***
GERALD, SAM, JAKE, JOHN AT MARC NAGTATAG NG DRAMA MOTOCLUB
NAGKATUWAANG mag motor ride ang mga Kapamilya actor na sina Gerald Anderson, Sam Milby, Jake Cuenca, John Prats, at Marc Solis.
Nag-establish sila ng Drama MotoClub.
Ibinahagi ni Gerald sa kanyang socmed ang ilang snaps from a recent motorbike trip kasama sina Sam, Jake, John at Marc.
Ang caption, “Drama MotoClub so much in one ride hahaha.”
Komento ni Jake: “Ang gagaling! Hindi lang magaling mag drama mga mekaniko pa mga yan.”
Sey naman ni Marc na dating nasa FPJ’s Ang Probinsyano, “ Hahahaha lets go Drama MotoClub!.”
May post din siya sa kanyang IG, “The Drama Motoclub great ride brothers! till the next episode!”
Ang actor/director na si John ay nagkomento sa post ni Marc, “Natawa ako sa next episode.”
“@johnprats may next season pa after ng mga episodes,” sambit pa ni Solis.
“Dramatic ride! Thanks for the invite. Until our next session. (finger heart emoji),” post naman ng mister ni Isabel Oli.
The actors had their fun and memorable motorcycle trip in Tagaytay.
Komento ng ilang fans at followers.
“Sana lahat kayo sama sama sa isang teleserye.”
Ang ibang netizens naman ay nagtatanong kung pwede silang mag-join sa kanilang motoclub.
“Di nyo nilinaw kung anong rides mga bro bike dinala ko, awit wala tuloy sa pic.”
“Sama ako sa inyo mga Tol next time ha”
“Kaya ang traffic knina sa south e haha ”
“Di kayo nagyaya hayssss”