Advertisers

Advertisers

Advance MedTech, isinulong ni Bong Go

0 6

Advertisers

Upang maihanay ang sektor ng medikal na teknolohiya ng Pilipinas sa pandaigdigang pamantayan, inihain ni Senador Christopher “Bong” Go ang panukalang batas na naglalayong pahusayin ang umiiral na balangkas na namamahala sa medical technology practice sa bansa.

Layon ng Senate Bill No. (SBN) 2503, kilala rin bilang “Philippine Medical Technology Act of 2023” na i-update ang ilang dekada nang batas, partikular ang Republic Act Nos. 5527 at 6138, gayundin ang Presidential Decree Nos. 498 at 1534 .

Sinabi ni Go, chairperson ng Senate Committee on Health and Demography, ang mga kasalukuyang batas na nagsimula noong mahigit kalahating siglo, ay kailangan nang i-update upang ipakita ang pagsulong at pangangailangan ng modernong teknolohiyang medikal.



“The landscape in medical technology education and profession has significantly evolved,” sabi na idiniin na kailangan ang ligal na pagbalangkas na sumasabay sa pagbabago.

Si Go, kasama ang kapwa senador na si Joseph Victor “JV” Ejercito, ay dumalo kamakailan sa 59th Annual Convention ng Philippine Association of Medical Technologists Inc. (PAMET) sa Manila Hotel sa Lungsod ng Maynila noong Martes.

Binigyang-diin ng senador ang kahalagahan ng pagkilala sa mahalagang papel ng mga medical technologist sa healthcare system.

Ibinahagi niya na ang kanyang anak na babae ay isang aspiring MedTech na kasalukuyang kumukuha ng kurso sa kolehiyo.

“Magkokonsulta po kami during the hearing, tatanungin po namin kung ano po ang version na inyong gusto at makatutulong po na maisulong po ‘yung naaayon po sa panahon ngayon. Kasi 2023 na tayo, napakatagal na po ng inyong MedTech law at dapat po ay i-amend na po ito,” ani Go.



Sinabi ng senador na makipagtulungan siya sa PAMET at iba pang stakeholder upang maisakatuparan ang iisa nilang hangarin para sa isang mas malusog at mas maunlad na bansa.

Ayon kay Go, ang kanyang iminungkahing batas ay nagbabalangkas ng ilang mahalagang bahagi ng reporma, kabilang ang pagtatatag ng isang mas komprehensibong saklaw ng pagsasanay para sa medical technologists.

Sinasaklaw din nito ang malawak na hanay ng pamamaraan at teknik sa laboratoryo, kasama ang pagtuturo at pangangasiwa sa mga mag-aaral sa educational institutions na nag-aalok ng kursong Medical Technology.

Ang isang kapansin-pansin sa panukalang batas ay ang iminungkahing pagpapabuti ng kompensasyon at mga benepisyo para sa medical technologist. Iminungkahi nito ang minimum base pay na katumbas ng Salary Grade 15 para sa medical technologist sa pampubliko at pribadong sektor.

Bukod pa rito, nananawagan ito ng hazard pay na may halagang 25% minimum na basic pay, gayundin ang pagsunod sa mga pamantayan sa kaligtasan at kalusugan sa trabaho, kabilang ang pagkakaloob ng personal protective equipment.

Higit pa rito, ipinakilala ng panukalang batas ang pagtatatag ng isang Professional Regulatory Board of Medical Technology, sa ilalim ng pangangasiwa at kontrol ng Professional Regulation Commission.

Ang lupon ang magiging responsable sa pangangasiwa sa propesyon, pagtiyak ng mga pamantayan sa etika, at pangangasiwa ng mga pagsusuri sa lisensya.