Advertisers

Advertisers

Manila, napiling “Worlds Leading City Destination for 2023” – Mayor Honey

0 8

Advertisers

TUWANG-TUWA na inanunsyo ni Mayor Honey Lacuna na ang Maynila ang siyang napili bilang “World’s Leading City Destination for 2023” ng prestihiyosong World Travel Awards 2023 na ginawa sa Burj Al Arab sa Dubai, United Arab Emirates.

“This is the first time the country has won the said major award… definitely a first for the capital city,” pahayag ni Lacuna, kasabay ng pasasalamat niya sa lahat ng city officials at employees na kung saan ang lahat ng suporta at pinagsamang tulong ay nagbunga ng nasabing pagkilala.

Bunsod ng bagong worldwide recognition, nagpahayag ang lady mayor nang labis na pasasalamat sa Department of Tourism, Culture and Arts in Manila (DTCAM) sa pamumuno ni Charlie Dungo, na ayon sa kanya ay labis labis ang ginawa na maitaguyod ang mga must-see, tourist destination.



Ang kakaibang pagkilala, ayon kay Lacuna, ay magsisilbi bilang kanyang inspirasyon, sampu ng DTCAM at ng buong City Hall ng Maynila, para lalong lumikha ng mga paraan para ma- promote ang Maynila bilang destinasyon para sa mga dayuhang dumadalawa sa bansa at maging sa lokal na turista.

Sa kauna-unahanang pagkakataon ang Pilipinas ay kinilala bilang World’s Leading City Destination dahil sa kabisera nito na Maynila, sa Isang awarding ceremony na ginawa noong December 1, 2023.

Tinalo ng Maynila ang US, Mexico, New Zealand, South Africa at Australia, at iba pa.

May kabuuang apat na major awards ang nakopo ng Pilipinas sa World Travel Awards 2023 sa Dubai at sa kauna-unahang pagkakataon ang Pilipinas ay nakakuha ng Global Tourism Resilience Award sa pagpapakita ng “global leadership, pioneering vision and innovation to overcome critical challenges and adversity.”

Ang bansa ay kinilala din bilang World’s Leading Dive Destination at World’s Leading Beach Destination ikalawang pagkakataon na una nitong nakuha noong 2022.



Ang 30th annual World Travel Awards ay kinilala ng mga achievements sa travel, tourism at hospitality industries.

Ang World Travel Awards ay sumusuporta at tumutulong sa pag-unlad ng global travel at tourism industry sa pamamagitan ng pagkilala at pagbibigay ng natatanging pabuya at pagbibigay inspirasyon sa mga practitioners nito na mapataas pa ang standards ng kanilang product at service na inaalok. (ANDI GARCIA)