Advertisers

Advertisers

Pinoy Tasty at pandesal sa Kapaskuhan, walang pagtaas ng presyo

0 12

Advertisers

Mananatili sa dating presyo ang Pinoy Tastey at pandesal hanggang sa katapusan ng taon ,sinabi ng pangulo ng Asosasyon ng Panaderong Pilipino na si Lucito “Chito” Chavez.

Ayon kay Chavez, walang nakaambang paggalaw sa tinapay sa kadahilanang isa itong corporate source of responsibility ng mga pang ating pamahalaan sa mga mamamayang Pilipino.



Ngunit sinabi ni Chavez na ang mga maliliit na panaderya o magtitinapay na apektado ng kanilang operating expenses ay nanganganib na may pagbabago sa presyo ng kanilang tinapay  sa kadahilan na apektado ng pagtaas ng OPEC at pagtaas ng presyo ng itlog.

Aniya, inaasahan ang pagtaas ng presyo ng cakes at pastries sa susunod na linggo .

Gayunman, nanawagan si Chavez sa industriya ng pagtitinapay na huwag galawin ang presyo ng pandesal sa panahon ng Kapaskuhan dahil ito ang madalas na kinakain ng mga mamamayan ano man ang estado sa buhay.

“Sabi ko nga maging mahirp at mayaman kumakain ng pandesal –para naman mapagsilbihan ng industrya ng pagtitinapay ang  mga mallit na masang Pilipino”, pahayag ni Chavez.

Si Chavez ay nakilala rin bilang dating bise president at spokesperson ng Philippine  Federation of Bakers, ang pinakamalaking grupo ng mga Panadero sa bansa.



Bilang pangulo ng asosasyon ng mga panaderong Pilipino,si Chavez na nagmula sa Cuenca ,Batangas  – ang home of bakers na manggagawa ng pandesal sa Kalakhang Maynila at karatig pook ay kanyang pinangangambahan na kapag hindi mapipigilan ang pagsasara ng maliliit na magtitinapay ay baka maubos aniya ang livelihood project ng taga Cuenca.

Gumagawa na aniya ng paraan o proposal ang pamahalaang bayan sa pangunguna ni  Con.Let Javier para maingat ang antas ng pagtitinapay at maprotekktahan ang pandesal industry ng Cuenca.

Samantala, sinabi ni Chavez na ‘stable’ pa ang presyo ng harina na isa sa pangunahing sangkap sa paggawa ng tinapay.

Ang presyo naman aniya ng asukal ay hindi pa rin bumababa kaya apektado pa rin ang mga panadero.(Jocelyn Domenden)