Advertisers
NASAWI ang dalawang hindi pa nakikilalang lalaki, at anim ang sugatan nang sumalpok ang isang truck sa sinusundang motorsiklo sa Barangay Liwanay, Banga, South Cotabato, Sabado ng gabi.
Sa report ng Banga Police, tinatahak ng motorsiklo ng mga biktima ang Banga – Isulan national road nang mula sa likuran ay salpukin ang mga ito ng truck 10:00 ng gabi.
Sa lakas ng impact, tumilapon ang mga sakay ng motor at maging ang mga sakay ng truck na nahulog sa bakanteng lote sa gilid ng kalsada.
Isinugod pa ang ang dalawang sakay ng motorsiklo sa South Cotabato Provincial Hospital subali’t idineklarang dead on arrival ang mga ito.
Nagtamo ng sugat ang mga sakay ng truck na isinugod din sa pagamutan.
Inaalam pa ang pangalan ng mga nasawi at sugatan sa insidente habang sinusulat ang balitang ito.
Sa imbestigasyon, nabatid na nasa impluwensya ng alak ang driver ng truck at ang kanyang mga kasama.