Advertisers

Advertisers

82 bahay, sakahan sinira ng malakas na hangin sa Cotabato

0 2

Advertisers

AABOT sa 82 bahay at mahigit 100 ektarya ng palayan ang sinira ng malakas na hangin na tumama sa apat na barangay sa bayan ng Kabacan, Cotabato nitong Sabado, December 9, 2023.

Mismong ang mayor ng Kabacan, si Evangeline Pascua Guzman, ang nagkumpirma nitong Lunes ng kalamidad sa Osias, Katidtuan, Lower Paatan at Malamote, mga barangay na pagtatanim ng palay at mais ang pangunahing pinagkakikitaan ng mga residente.

Mahigit 100 pamilya ang apektado ng pagkasira ng mga tahanan na nilipad ng hanging ang mga bubong na yero. Marami din sa naturang mga bahay ang nadaganan ng malalaking puno na nabuwal ng malakas na hangin.



Hindi bababa sa 100 hectares na palayan ang sinira din ng malakas na hangin, ayon kay Guzman.

Ang Kabacan ay tinataguriang “rice granary” ng probinsya ng Cotabato.