Advertisers
KINUMPIRMA nitong Lunes ni House Committee on Legislative Franchises chairman Gus Tambunting na sinabi na sa kanya ng SMNI anchor na si Jeffrey “Ka Eric” Celiz ang kanyang “source” ng alegasyong P1.8 billion na gastos umano sa biyahe ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.
Ayon kay Tambunting, sa kanyang pagdalaw kina Celiz at Lorraine Badoy na kapwa naka-detine sa Batasan Complex ay tinanong niya kung uubra bang isiwalat na ang source.
Sinabi ni Tambunting, may source nga itong si Celiz at ang bagay na ito ay idudulog niya sa komite, maging kay Senate President Juan Miguel Zubiri at House Speaker Romualdez.
Dagdag ni Tambunting na kailangan na i-validate kung Senate staff ba talaga ang tinutukoy ni Celiz.