Advertisers

Advertisers

DENR employee patay sa road mishap

0 6

Advertisers

Nasawi ang isang kawani ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Cabagan nang maaksidente habang binabaybay nito gamit ang kaniyang motorsiklo ang bahagi ng San Pablo, Isabela.

Kinilala ang nasawi na si Mcden Concepcion, 29 anyos, at DENR Employee.

Ayon kay PCpt. Samson Canceran, maaaring nadulas ang minamanehong motorsiklo ng biktima habang binabaybay nito ang nasabing lansangan dahilan upang tumilapon ito at magtamo ng malubhang sugat sa iba’t-ibang parte ng kaniyang katawan.



Agad namang rumesponde ang mga kasapi ng rescue team at San Pablo Police Station sa lugar at isinugod sa pagamutan ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng attending physician.

Napag-alaman na nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin ang biktima dahil galing umano ito sa inuman.

Isa din sa mga tinitignang dahilan ang madilim na lugar dahil medyo malayo ang street light sa bahagi ng kalsada na pinangyarihan ng insidente.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan an ang kapulisan sa lokal na pamahalaan ng San Pablo at sa iba pang ahensya para sa karagdagang street lights sa lugar. (Rey Velasco)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">