Advertisers

Advertisers

Teves sinubpoena sa kasong terrorism financing

0 5

Advertisers

Inatasan ng Department of Justice si dating Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr. na humarap sa preliminary investigation ngayong araw at sa Disyembre 19 kaugnay sa kasong pagbibigay ng pinansyal na suporta sa mga terorista.

Si Teves ay pinagpapaliwanag kaugnay sa reklamong financing terrorism sa ilalim ng Section 4 ng Republic Act (RA) 10168 o Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012 o Anti-Terrorism Act of 2020.

Inatasan si Teves na maghain ng kanyang counter-affidavit sa itinakdang imbestigasyon.



Sinabi naman ni Atty Ferdinand Topacio, legal counsel ni Teves, na dadalo siya sa PI upang maging kinatawan ni Teves.

Magugunita na si Teves ay kabilang sa mga idineklarang terorista ng Anti-Terrorism Council noong August dahil sa mga naganap na pagpatay at harassment sa Negros Oriental.

Nabatid na nananatili sa Timor-Leste si Teves na patuloy na humihirit ng asylum sa naturang bansa.

Nahaharap din ang pinatalsik na kongresista sa kasong murder, frustrated murder at atteempted murder dahil sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">