Advertisers

Advertisers

UMABOT NG PHP 403 MILLION ANG TRAVEL EXPENSES NI PBBM

0 7

Advertisers

Dinipensa ng Palasyo ng Malakanyang ang paglaki ng travel expenses ng Office of the President sa taong 2022 kumpara nuong 2021.

Ayon sa Palasyo, ginagamit lamang ng Marcos Administration ang mga pagkakataon at tiyansa na available para sa Pilipinas, upang makapag-generate ng mas maraming foreign investment sa Pilipinas, na daan naman upang mapag-igting ang pandemic recovery initiatives ng pamahalaan.

Ang pahayag ni PCO Secretary Cheloy Velicaria – Garafil ay kasunod ng inilabas na ulat ng COA na ang travel expenses ng Office of the President para sa taong 2022 ay tumaas sa Php 403 million mula sa Php 36.8 million noong 2021.



Ayon sa Kalihim, batid naman ng lahat na ang taong 2021 ay kasagsagan pa ng pandemiya, at limitado lamang ang mobility ng lahat.

Taong 2022 aniya nang palakasin ng pamahalaan ang pagbubukas ng ekonomiya, at paga-alis ng mga umiiral na restriksyon.

Pero tila “no mention” si Garafil patungkol sa mga ” bitbit” na mga taga- media at vloggers na closely identified at amiga at amigo ni First Lady Liza Araneta Marcos.

Hindi lang po mga “friendship” ni FL Liza ang karay- karay- o bahagi ng “fat” entourage ni PBBM sa kanyang junket trip abroad kundi mga miss at mister din ng mga miyembro ng gabinete ng Presidente.

May tsismis pa na maging yaya at cook ni FL Liza ay kasa- kasama rin at ilan pang “julalays” ng mga VIPs na sabit at isiniksik sa delegasyon.



Hehehe…taxpayers money po ‘yan ah, Madam Garafil di ba?

Puwede bang i- furnish ang mga independent media entities at mamamahayag sa listahan ng buong entourage ni PBBM sa tuwing naglalamyerda ang pamilya Marcos at Romualdez sa ibayong- dagat?

Sobrang interesado po ang inyong abang lingkod sa nasabing “trip list” or shall we say ” junket trip list” to be frank about it.

‘Wag sana po yung edited na listahan Madam Cheloy Garafil ma’am ha!

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com