Advertisers

Advertisers

180 CHINESE POGO WORKERS, PINABALIK SA CHINA

0 8

Advertisers

UMABOT sa 180 Chinese national na ilegal na nagtratrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ang ipinadeport ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at Department of Justice ( DOJ ) ngayong umaga pabalik China.

Ang 180 illegal alien ay nagmula sa Smart Web Technology Corp.(SWTC) kung saan ay nakasakay sila sa apat na bus para sa kanilang deportation kanina ( Huwebes ) 12:10 ng tanghali sa Ninoy Aquino International Airport ( NAIA ) terminal 1 patungong Shanghai lulan ng PAL flight PR-336

Ang nasabing bilang ay kasama sa 731 workers (SWTC) at kabilang dito ang pitong Pinay. Sila ay nasagip din mula sa isang aquarium-style viewing chamber ng isang massage parlor sa ikalawang palapag ng gusali.



Pinangunahan ni Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Chief Gilbert Cruz ang pagpadeport sa mga Chinese katuwang ang Bureau of Immigration (BI) officers pabalik sa kanilang bansa.

Nauna rito, sinalakay nang pinagsanib na pwersa ng PAOCC, NBI, DOJ, at PNP ang isang gusali sa William Street sa Pasay City kung saan nag ooperate ang Smart Web Technology Corp. na nakitaan ng mga illegal activities tulad ng illegal gambling, human trafficking at natuklasan din ang tortured chambers sa gusali. (JOJO SADIWA/JERRY TAN )