Advertisers

Advertisers

Blood stain sa kotse na pinaglipatan sa ‘missing’ beauty queen tugma sa DNA ng magulang

0 5

Advertisers

INIULAT ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office (PIO) Chief, Colonel Jean Fajardo na tumugma ang blood stain sa pulang CRV na pinagsakyan umano sa nawawalang beauty queen na si Catherine Camilon sa kanyang magulang.

Ayon kay Fajardo 99.9 percent tumugma ang DNA test na ginawa ng forensic group sa magulang ni Camilon.

Hindi naman makumpirma ng opisyal kung hanggang sa mga oras na ito buhay pa si Camilon pero habang tumatagal numinipis ang tiyansa na buhay pa ito, sabi ng PNP.



Huling nakita si Camilon na duguan at inililipat mula sa kanyang sasakyan patungo sa CRV, na inabandona at natagpuan ng PNP.

Sinabi ni Fajardo, sa December 19 ay magkakaroon ng preliminary investigation at nakatakdang maghain ng counter affidavit si Police Maj. Allan de Castro na karelasyon ni Camilon na s’yang tinurong pangunahing suspek sa kaso.