Advertisers
INARESTO pero pinalaya rin kinalaunan ang 69-anyos na dentista na humirit ng sex sa dalagitang kliyente kapalit ng paglalagay ng “brace” sa kaniyang mga ngipin sa General Santos City.
Sa ulat, lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya na nagtungo sa kanilang tanggapan ang 15-anyos na biktima, na hindi na pinangalan, para isumbong ang ginawa ng dentista na hindi rin pinangalanan.
Magpapapasta umano ng ngipin ang dalagita nang alukin ito ng dentista na lalagyan ng libreng brace ang kaniyang ngipin ‘pag pumayag na makipagtalik sa kaniya.
Pero tumanggi ang biktima sa alok ng suspek, at hinipo umano ng dentista ang dibdib ng dalagita.
“In exchange of sex. Wala nagsugot ang victim kay ingon niya wala siya’y kwarta. Paghawa na sa victim, immediately, gi-grab niya ang dughan nga bahin sa victim,” sabi ni Lagao Police Station Chief, Major Ivan Charles Abastillas.
Inaresto ng mga awtoridad ang dentista pero napilitan din silang palayain pagkaraan ng ilang araw nang iurong ng dalagita at pamilya nito ang reklamo.
Ayon kay Abastillas, posibleng nagkaroon ng pag-uusap ang magkabilang panig kaya hindi na itinuloy ang reklamo laban sa dentista.
Gayunman, hinikayat ng opisyal ang publiko na isumbong sa pulisya ang magiging biktima ng katulad na insidente. At kung maaari ituloy ang reklamo para hindi na makapambiktima ng iba.