Advertisers
ISINUSULONG ni Senador Alan Peter Cayetano ang iba’t ibang reporma sa Philippine National Police (PNP) upang makatulong na palakasin ang integridad nito, pataasin ang mga benepisyo at suweldo at isulong ang promosyon ng mga miyembro ng organisasyon.
“Kung ano ang ating itatanim, iyan ang ating aanihin. Kung sa batas na ito ay magtatanim tayo ng tamang resources, batas, at proteksyon para sa ating mga pulis, maganda rin ang aanihin natin,” wika ni Cayetano kaugnay sa mga itinutulak na mga amyenda sa PNP Reform and Reorganization Act of 1998 (Senate Bill No. 2449) na ang sponsor ay si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa.
Aniya, hindi maaaring asahan ng bansa ang mga pagpapabuti sa serbisyo ng pulisya kung hindi aaprubahan ang mga pag-amyenda.
Isa sa mga pangunahing puntong isinulong ni Cayetano ay ang pagpapalakas ng integridad ng pulisya sa pamamagitan ng Internal Affairs Services (IAS) ng PNP, na nangunguna sa pagsisikap ng PNP laban sa maling pag-uugali at katiwalian ng pulisya.
“If you reform the police, you reform the society… Parang base sa PNP organizational chart ngayon, hindi kasi stocked with resources and people ang IAS. Shouldn’t we strengthen the IAS because it is also the strengthening of policemen?” wika niya kay Dela Rosa, na sumang-ayon sa kaniya.