Advertisers

Advertisers

Kapakanan, benepisyo ng mga pulis suportado ni Bong Go

0 5

Advertisers

SUPORTADO ni Senador Christopher “Bong” Go, vice chairperson ng Senate Committee on Public Order, ang Senate Bill No. 2449, na naglalayong pahusayin ang operational efficiency at effectiveness ng Philippine National Police (PNP).

Sa kanyang interpelasyon sa Senate Plenary, ginunita ni Go ang makabuluhang ginawang pagpapalakas sa puwersa ng pulisya sa panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, partikular sa pamumuno ni dating PNP chief, at ngayo’y Senador Ronald “Bato” dela Rosa, pinuno ng Senate Public Order Committee at isponsor ng panukala.

“Isinulong natin na mataasan ang sahod ng uniformed personnel, dinoble po ang sweldo sa entry level position sa tulong po ng mga kasamahan natin sa Kongreso. It is where I’m coming from,” ani Go.



Binanggit din niya ang Republic Act 11549, na kanyang co-authored, na nagpapababa sa height requirement sa mga aplikante sa PNP, at RA 11200, na binago ang rank classification sa PNP.

Samantala, itinanong ni Go kung ano ang posisyon ng PNP ukol sa bagong retirement age na kanyang ipinapanukala.

Humingi siya ng paglilinaw sa likod ng adjustment ng compulsory retirement age na 57. Itinanong niya kung ang mga magretiro sa 56 ay makatatanggap ng parehong benepisyo.

“Papaano po ‘yung 56 years old na gusto na pong magpahinga at makasama po ang kanilang mga pamilya? Can they receive the same benefits as those who are retireing at 57 years old?” tanong ni Go.

Ani Go, marami siyang naririnig na mayroong iilan na pagod na rin at maraming nag-file ng early retirement bago pa maaprubahan ang batas. Hiniling ng senador ang numero ng nag-file ng early retirement.



Bilang tugon, sinabi ni Sen. Dela Rosa ang intensyon na pagsabayin ang edad ng pagreretiro ng pulis sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Tiniyak ni Dela Rosa na ang mga benepisyo sa pagreretiro at mga pensiyon ng mga aktibong tauhan ay hindi maaapektuhan.

Kinumpirma rin ni Dela Rosa na ang mga benepisyo ay magiging pareho sa pagsasabing, “as one year doesn’t matter, as far as retirement benefit is concerned.”

Kaugnay ng panukalang military pension reform bill, binigyang-diin ni Go ang pangangailangang magkaroon ng balanse sa pagitan ng kapakanan ng uniformed personnel at pagtiyak sa seguridad ng pananalapi ng bansa.

“Dapat the same, hindi sila (retired and in-active service) apektado. At maiintindihan mo naman siguro, it is where I am coming from lalung-lalo na po sa issue ng MUP Pension. Ayaw talaga nating maapektuhan ‘yung mga retired at ‘yung mga active na uniformed personnel,” ani Go.