Advertisers

Advertisers

6 NPA, 1 SUNDALO PATAY SA BAKBAKAN SA BATANGAS!

0 80

Advertisers

NASAWI ang isang sundalo at anim na miyembro ng New People Army (NPA), habang tatlong sundalo ang nasugatan sa engkwentro sa pagitan ng militar at rebelde sa Balayan, Batangas nitong Linggo ng umaga.

Inalaam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng anim na mga rebelde, habang hindi muna pinangalanan ang nasawing sundalo. Dinala naman ang 3 sugatang sundalo sa Medical Center Western Batangas sa Balayan.

Ayon kay Lt. Colonel Hector Estolas, Chief, Division Public Affairs Office, 2ID, PA, ang engkwentro sa pagitan ng mga elemento ng 59th Infantry Battalion, Philippine Navy at Philippine Airforce at ‘di nabatid na bilang mga miyembro ng SPP Kawig-Southern Tagalog Regional Party Committe Sub-Region Military Area 4C ay nangyari sa Brgy. Malalay, Balayan.



Sa ulat, nagpapatrolya ang mga sundalo nang masabat ang mga rebelde at nagkaputukan. Tumagal ang engkwentro ng ilang oras, nagresulta ng pagkasawi ng isang sundalo, at 6 rebelde at 3 sundalo ang nasugatan.

Narekober ng mga sundalo sa pinangyarihan ng engkwentro ang 2 M16 rifle, 1 M653 rifle, 1 shotgun, at mga subersibong dokumento.

Inilipat ang labi ng mga nasawi na rebelde at sundalo sa Local Governmet Unit upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga ito.

Patuloy ang pagtugis sa mga tumatakas na mga rebelde. (Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">