Advertisers

Advertisers

Meter reader ng kuryente sa Cotabato sunud-sunod pinatay

0 5

Advertisers

NASAWI sa ambush ang kawani ng isang power cooperative nang tambangan sa Carmen, Cotabato.

Sa ulat nitong Sabado ni Brig. General Jimili Macaraeg, director ng Police Regional Office-12, nasawi sa mga tama ng bala si Ruben Reyes, electric consumption meter reader ng Cotabato Electric Cooperative, nang tambangan ng habang sakay ng kanyang motorsiklo sa Barangay Ugalingan sa Carmen, isa sa 17 bayan ng Cotabato province.

Inaalam pa ng mga kasapi ng Carmen Municipal Police Station kung sino ang pumatay kay Reyes na agad nakatakas bago pa makarating sa pinangyarihan ng krimen ang mga nagresponding pulis.



Ang ambush kay Reyes ay naganap dalawang linggo nang napatay sa pamamaril ang lineman ng Tawi-Tawi Electric Cooperative na si Ali Gustami habang nagsasagawa ng disconnection ng linya sa isang tahanan sa Bongao, Tawi-Tawi, na ang may-ari ay may malaking utang sa Tawelco.

Nabaril din ng mga pumatay kay Gustami ang isa pang lineman ng Tawelco na si Nassir Ambutong sa naturang insidente.