Advertisers
INANUNSYO ng Philippine Statistics Authority (PSA) na tumaas ang presyo ng bigas ngayong buwan.
Batay sa survey ng PSA, umakyat ang average retail price ng kada kilo ng well-milled na bigas sa P48.84 sa pagitan ng Disyembre 1 hanggang 5.
Mas mataas ito kumpara sa P46.61 kada kilo sa unang bahagi ng Nobyembre, at P47.42 kada kilo sa huling araw ng nakaraang buwan.
Nagmahal din ang presyo ng kada kilo ng karne ng baboy sa P290.91 sa pagpasok ng Disyembre, kumpara sa P287.62 at P288.72 noong una at ikalawang bahagi ng Nobyembre.