Advertisers
NABIKTIMA ng ‘fake news’ si Presidential Assistant for Strategic Communications Undersecretary Cesar Chavez.
Ito’y matapos mag-post si Chavez kaugnay ng umano’y pagdedeklara ng half day na pasok sa trabaho sa buong bansa ngayong Biyernes, Disyembre 22, na sinasabing nakapaloob sa pekeng kopya ng Proclamation No. 427.
Gayunman, sa kanyang mensahe sa social media ay matapang na inamin ni Chavez na hindi beripikado ang nai-post niyang content.
Sinabi rin sa Police Files TONITE ng isang opisyal ng Office of the Executive Secretary (OES) na ayaw magpabanggit ng pangalan na ‘fake news’ nga ang nai-share ni Chavez.
Mabilis din namang inako ng opisyal ang responsibilidad at iginiit na siya ang dapat sisihin kaugnay ng idinulot niyang kalituhan sa publiko.
“Apologies. I posted a content that was not first verified by me. For the confusion, the blame should be on me. I take full responsibility for this,” wika ni Chavez.
Bukod sa ilang news outlets, may mga official social media pages din ng ilang lokal na pamahalaan na nag-share ng pekeng balita mula kay Chavez. (Gilbert Perdez)