Advertisers

Advertisers

Sunog sa Maynila, ikinalungkot ni Mayor Honey

0 10

Advertisers

NAGPAHAYAG ng kalungkutan si Manila Mayor Honey Lacuna sa naganap na sunog kamakailan sa lungsod kung saan karamihan sa biktima nito ay naging homeless ngayong Kapaskuhan.

Dahil dito ay nanawagan ang alkalde sa mga residente na umiwas sa mga bagay na maaaring pagsimulan ng sunog tulad ng nakasinding kandila at maging ng mga gadgets na naka-charged.

Ginawa ni Lacuna ang apela matapos na pangunahan ang distribution ng financial assistance sa mga nasabing biktima, ito ay bilang paraan ng kanyang pagpapakita ng tulong at suporta para sila ay makapagsimula muli.



Mula sa ulat ni Manila Department of Social Welfare chief Re Fugoso, sinabi ni Lacuna na may kabuuang siyam na sunog ang naganap sa Maynila mula November 10 hanggang December 13, 2023.

Ang alkalde ay inasistehan nina Fugoso at Vice Mayor Yul Servo Nieto, sa pamimigay ng P10,000 sa bawat Isang pamilyang nawalan ng tirahan. P3,000 naman ay ipinagkaloob sa mga unattached individuals.

May kabuuang 636 pamilya at walong unattached individuals tumanggap ng suporta mula sa pamahalaang lokal.

Nabatid kay Fugoso na maliban sa cash aid, ang mga displaced na pamilya ay binigyan din ng hot meals at basic necessities tulad ng hygiene kits at banig matapos na masunog ang lahat ng kanilang gamot sa sunog. (ANDI GARCIA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">