Advertisers

Advertisers

DTI todo-bantay sa mga bentahan ng paputok

0 3

Advertisers

MAHIGPIT na binabantayan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga bentahan ng mga paputok sa buong bansa.

Inunang pinuntahan nila at ininspeksyon ang mga bentahan ng paputok sa Bocaue, Bulacan.

Batay sa inspeksyon ng DTI Fair Trade Enforcement Bureau, na dalawang mga negosyante ang nakitaan ng nagbebenta ng mga paputok na walang lisensiya.



Paliwanag ni DTI Assistant Secretary Amanda Nograles na ang nasabing ibinebenta nila ay hindi kasama sa modelo na aprubado nila.

Pinayuhan nito ang mga mamimili na ang paggamit ng mga substandard na paputok ay may panganib na dulot.