Advertisers
Remember Francis Leo Marcos?
Siya ang kontrobersyal na pigura bago ang pandemya nang lumutang siya sa publiko bilang isang Marcos at handang maglingkod sa kababayang Pilipino.
Maraming naniwala at humanga dahil sa kanyang ipinakitang pagtulong na galing mismo sa kanyang yaman at may mga nagtaas ng kilay sa biglaan niyang pagpapel galing kung saan lalo na iyong mga tiyak na masasapawan na kunwari ay mga lingkod- bayan.
Iyong pinamumudmod kasi nila ( mga public servant kuno)ay galing sa donasyon( 10% sa ayuda- 90% sa bulsa) para sa mga biktima ng sakuna pero pinalalabas na mula sa kanilang sariling lukbutan pero itong si FLM ay galing mismo ang tulong mula sa kanyang sariling pundasyon.
Ang pamimigay ng tulong ng kaapelyido ni Apo ay binigyang kulay ng mga nasapawang pulitiko lalo na noong kasagsagan ng pandemya ay siya lang ang may kakayahang mamahagi ng trak-trak na ayuda mismo sa bahay-bahay , walang pila at deretso sa tao.Di na dadaan kay Meyor o Kapitan o sa social welfare kaya ang ayuda buo pagdating sa mga tatanggap na kababayan.
Pero ang kabutihan ay tunay na kalaban ng kasamaan.
Gumana ang kapangyarihang itim ni ‘taning.. Naipakulong ang namimigay-tulong.Tatlong taong himas -rehas sa isang taong namuhay ng parehas dahil sa pagtulong ng wagas.
Pero kahit sa loob, tuloy ang kanyang gandang loob.
Bago mag-Pasko nitong 2023, sa wakas nakalaya na ang AGILA.
Walang tanim na galit kaninuman kahit sa mga sumikil ng kanyang kalayaan.
Ipagpapatuloy ni Apo FLM ang kanyang adbokasiya nang higit pa sa siksik-liglig.
Bye hoyo ..Welcome sa laya FLM..tutulong na naman…
ABANGAN!
LOWCUT: Holiday greetings to special people like BABA YUKO san and Mr.TETSUYA TSUDA of Japan International Council of Traditional Sports and Games under the wings of ICTSG Unesco.
The Yuko – Tsuda tandem are very busy touring the globe in promoting and preserving taditional sport including the Philippines.
Baba san said she will support the traditional sport in our hometown Tarlac, Philippines organized by yours truly.. DOMO ARIGATO!
Kudos to GSF GM HARI OSIAS CATOLOS BANAAG and Master CRISANTO CUEVAS…
MABUHAY!