Advertisers

Advertisers

JAPANESE FIRM MAGLALAGAK NG P1.1-B SA PUV MODERNIZATION PROGRAM

0 4

Advertisers

INANUNSIYO ng Malakanyang na interesado ang isang malaking kompanya sa Japan na mamuhunan sa public utility vehicles (PUV) modernization program ng pamahalaan.

Sa roundtable discussion sa sidelines ng ASEAN-Japan Commemorative Summit na dinaluhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasama ang Japanese business community, nangako ang kompanya na maglalagak ito ng P1.1 bilyon na investment maliban sa nauna nitong commitment na P4.4 bilyon.

Matatandaang sinaksihan din ni PBBM ang paglagda sa siyam na kasunduan na nakatuon sa mga larangan ng pakikipagtulungan tulad ng enerhiya, imprastruktura, at manufacturing at iba pa na inaasahang pakikinabangan at makapagbibigay ng trabaho sa libu-libong Pilipino.



Samantala, una nang sinabi ni Presidential Adviser on Investment and Economic Affairs Frederick Go na ngayon ay nararamdaman na ang bunga ng pagbisita ng Presidente sa Japan noong Pebrero at ngayong Disyembre.

Ibinida pa ni Go na nasa P169 bilyong halaga na ng aktuwal na pamumuhunan ang inani ng administrasyon mula sa mga nasabing biyahe ni Pangulong Marcos. (Gilbert Perdez)