Advertisers

Advertisers

4 bata namulot ng paputok, nasabugan sa Maynila

0 26

Advertisers

SUGATAN ang apat na magkakapatid nang masabugan ng mga pinulot at inipon na paputok sa Barangay 174, Sampaloc, Maynila.

Kita sa CCTV na nagsisiga ng mga papel ang tatlong bata sa ilalim ng basketball ring bago mangyari ang insidente.

Pumulot ng hindi sumabog na paputok ang isa pang bata at saka inilagay ito sa apoy.

Nakita ng mga bata na sumindi ang paputok kaya sinubukan pa nila itong patayin gamit ang kanilang kamay at paa. Pero bigla itong sumabog.

Sugatan ang apat na bata na nasa edad 6 hanggang 8 taon gulang. Tatlo sa kanila magkakapatid.

Ayon kay Marineza Aguilos, ina ng tatlong bata, bumibili siya noon sa tindahan nang makarating sa kanya ang nangyari. Agad niyang pinuntahan ang mga anak na isinugod sa Ospital ng Sampaloc.

Inilipat sa National Children’s Hospital ang kanyang panganay na napuruhan sa pagsabog.

“Sobra na pong damage ‘yung kamay niya e. Wala na pong daliri, sabog na po talaga. Okay na po ‘yung operasyon sa kanya, naputol na po ‘yung kamay niya,” sabi ni Aguilos.

Nailabas na ng ospital ang tatlo sa mga bata habang patuloy na nagpapagaling sa pagamutan ang 8-anyos na pinutulan ng kamay.