Advertisers

Advertisers

Garde vs DianXing Zhu sa Korea

0 12

Advertisers

MAPAPASABAK to the max ang pambato ng Cotabato Province na si Richard Garde kontra DianXing Zhu ng China para sa World Boxing Organization Global minimumweight title sa Enero 13 sa Paradise City sa Incheon,South Korea.

Ito ang unang pagkakataon ni Garde na lumaban sa labas ng bansa.

Ang 29-year-old Gardy (8-1-0,7KO’s) ay napanalunan ang lima sa kanyang huling laban simula Nobyembre 2022.



Nakamit ni Gardy ang dating bakanting Philippine Boxing federation minimumweight title ng pabagsakin si Roslan Eco ng Misamis Oriental sa 5th round nakaraang Oktubre 22, 2023 sa President Roxas Gym sa President Roxas, Cotabato Province.

Samantala si Zhu, (11-1-0,10 KO’s) ay napanalunan ang anim sa kanyang huling laban buhat noong Setyembre 2020.

Depensahan ni Zhu ang kanyang WBO Global minimumweight title sa unang pagkakataon laban kay Gardy simula ng mabigo via TKO kay Sanchai Yotboon sa 3rd round nakaraang Nobyembre 18,2023 sa Grand Ho Tram Strip sa Vung Tau,China.

Unang nakamit ni Zhu ang bakanting WBC Asia Silver light flyweight title sa pamamagitan ng technical knockout kontra Narathin Sungut ng Thailand sa 1st round sa Sasakul Gym sa Lam Luk Ka, Thailand noong Marso 27,2023.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">