Advertisers

Advertisers

Rapist ng anak, inginuso ni misis sa iba’t-ibang uri ng baril at granada

0 64

Advertisers

ARESTADO ang isang lalaki nang makumpiskahan ng iba’t ibang uri ng mga baril at granada sa San Juan City nitong Biyernes.



Kinilala ang naaresto na si Ronald Aquino Macapagal, ng 185 N. Domingo St., Barangay Balong Bato, San Juan City.

Ayon kay General Melencio Nartatez Jr., NCRPO Chief, 12:20 ng madaling araw nang magsagawa ng operasyon ang mga elemento ng San Juan Police Station sa 185 N. Domingo St., Brgy. Balong Bato.

Isinagawa ang operasyon base sa search warrant sa paglabag sa RA 10591 at 9516 na ipinalabas ni San Juan City RTC Executive Judge, Honorable Cesar Pabel D. Sulit.

Narekober sa suspek ang isang fragmentation hand grenade, 1 glock 9mm with silencer, 1 magazine, 1 shotgun, isang 9mm Glock na may magzaine na puno ng bala, 2 caliber .45 magazines, 2 fragmentation hand grenades, iba’t ibang uri ng mga bala ng caliber 5.56, cal. 45, cal. 22, cal. 38, shotgun, 3 shotguns, 1 rifle barrel, 1 CZ75 SP-01 9mm pistol, 9mm Glock 26 Gen 4; cal. 45 pistol; 3 colt 45 pistol; 3 cal 3; 1 cal. 22 (Beretta); 1 Rifle Grenade;1 offensive Grenade 1 claymor mine; 1 detonator at kulay pulang Mitsubishi Pajero (ZKF 995).

Ang pagkakatuklas ng mga baril at granada ay base sa ibinigay na impormasyon ng asawa ng suspek.

Nakatakda rin sampahan ng kasong rape ang suspek dahil sa pag-abuso sa kanyang anak na naka-confine sa ospital.

Kasalukuyang nakakulong sa San Juan Police ang suspek. (Mark Obleada/Alex Mendoza)