2 American pedophiles hinarang ng BI sa Mactan, NAIA
Advertisers
DALAWA pang American pedophiles, na nahatulan sa sex crimes laban sa mga menor de edad ang hinarang sa kanilang tangkang pagpasok ng bansa nitong weekend ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) sa international airports sa Manila at Cebu.
Sa ulat kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, Ang BIs border control and intelligence unit (BCIU) ay nagsabi na ang mga pasahero ay kapwa naharang nitong January 13 at kaagad na itinaboy matapos makumpirma ng mga BI na sila ay may records of convictions para sa sex offenses sa US.
Kinilala ng BCIU ang dalawa na sina Carvin Renee White, 57, na dumating sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA) sakay ng Cathay Pacific flight mula Hongkong, at Scott Edward Edson, 47, na lumapag sa NAIA Terminal 3 sakay ng United Airlines flight mula Guam.
Agad silang inilagay sa first available flight pabalik sa kanilang port of origin bilang resulta ng kanilang exclusion orders na inilabas laban sa kanila ng immigration officers sa pagiging mga undesirable aliens.
Sinabi ni Tansingco na nagsisimula pa lamang ang 2024 pero may lima ng alien sex offenders ang naharang ng mga immigration officers.
“We have been warning these sex offenders that they are not welcome here. If we encounter them, we have no choice but to turn them back,” pahayag ni Tansingco.
“We are duty-bound to prevent the entry of aliens who are deemed as excludable under our immigration laws.”
Sinasaad ng Section 23(a) ng Philippine immigration act na ipinagbabawal ang pagpasok ng mga dayuhang kinasuhan at nahatulan sa mga krimeng na may kinalaman sa moral turpitude. Nauna rito, ang BI ay nag- ulat na may hinarang na 171 registered sex offenders noong 2023.
Mula sa impormasyon na galing sa US government ay nabatid na noong 2002 isang korte sa Alabama Ang humatol kay White…”for engaging in sexual misconduct against a 14-year-old girl.”
Sa Isang banda naman, si Edson ay inulat na nahatulan noong 1994 na nanggahasa ng isang 13-anyos na bata.
Ang parehong Amerkano ay isinama na sa BI blacklist, kaya di na sila makakapasok ng bansa kahit kailan. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)