Advertisers

Advertisers

‘CASE FOLDERS’ NG MGA TIWALING PULIS SA NCRPO MISSING!

0 15

Advertisers

IKINAALARMA ni Philippine National Police (PNP) Chief, General Benjamin Acorda Jr., ang report na mayroon mga “case folder” ng mga tiwaling pulis ang nawawala, dahilan ng pagkakaantala o mapagaan ang pagpapalabas ng desisyon nito.

Ayon kay Acorda, nakakaalarma ang nasabing report dahil nakakaapekto ito sa mga programang ipinapatupad ng PNP partikular na sa tuloy tuloy na pagliliis sa hanay ng pambansang pulisya sa mga tiwaling pulis

“Definitely alarming ‘yun, because if you see part of our focus agenda is integrity enhancement and kasama sa cleansing natin and imposing the right penalty,” pahayag ni Acorda.

Kaalinsabay nito, inatasan ni Acorda ang lahat ng mga Regional Director na magsagawa ng “inventory” sa lahat ng mga kaso ng mga tiwaling pulis sa kanilang hurisdiyon upang matukoy kung mayroon din ganitong mga insidente na nawawala ang mga “case folder” upang mapanagot ang dapat na managot.

“I am encouraging the other Regional Directors (RD) to do the same and those record holders kung sino may hawak ng mga dinanaan ng papel na dapat managot din. Hindi puwedeng mangyari ‘yung mapipigtasan ‘yung documents or mawawala mismo ‘yung folders,” saad ni Acorda.

Gayunpaman, tiniyak ni Acorda na tuloy-tuloy ang kampanya ng PNP laban sa mga pulis na sangkot sa mga iligal na aktibidades partikular sa iligal na droga.

“It’s sad to note that there are some other police officers that are involved in drugs, nagpositive but what I want to emphasze is we are active in pursuing this internal cleansing and we are not letting up in running after them,”pagdiin ni Acorda.

Hindi rin inaalis ni Acorda na posibleng mayroon din nangyayaring insidente ng pagkawala ng case folder ng ilang pulis sa ibang mga Region.

Naunang inihayag ni Major General Jose Melencio Nartatez, Jr. na mayroon “case folders” ng ilang pulis ang nawawala at kanya na ito pinaiimbestigahan upang matukoy kung mayroon mga kasabwat na mga pulis na humahawak ng kanilang kasong administratibo.(Mark Obleada)