Advertisers

Advertisers

Motorsiklo sinuwag ng pickup-van: 2 todas

0 11

Advertisers

NASAWI ang dalawa katao nang suwagin ang kanilang motorsiklo ng isang pickup-van sa national highway sa Sitio Pideg, Barangay Magsaysay District, Santa, Ilocos Sur.

Kinilala ng Santa Police Station (SPS) ang mga nasawi na sina Mirasol Peria Tacanay, 29 anyos, isang technician; at Ciriaco Dodiongan Tacloban Jr., 34, ng parehong bayan.

Ang driver ng pick-up na Nissan Navarra ay nakilalang si Arsenio Azcueta Car, 55, ng Barangay Ambulungan, Narvacan ng nasabing lalawigan.



Sa report ng SPS traffic bureau, nabatid na habang tinatahak ng dalawang biktima ang kahabaan ng Barangay Magsaysay District nang sumabog ang gulong ng pickup-van na minamaneho ni Car dahilan upang banggain ang motorsiklo na kasalubong nito.

Sa lakas ng impact, tumilapon sina Tacanay at Tacloban ilang metro mula sa crime scene.

Agad dinala sa Metro Vigan Cooperative Hospital ang mga biktima ngunit dead-on-arrival na.