Advertisers

Advertisers

P6.8m droga nasamsam sa Zambo

0 6

Advertisers

ARESTADO ang isang miyembro ng sindikato nang mahulihan ng P6.8 milyong halaga ng ilegal na droga sa Imelda, Zamboanga Sibugay.

Sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nakilala ang naaresto na si Ben Nadjar, 46 anyos, taga-Sitio Kapok, Barangay Sawa, Mabuhay, Zamboanga Sibugay.

Nakatakas ang kasabwat nitong nakilala sa alyas “Hadz”sa ikinasang operasyon sa Purok Rizal, Brgy. Poblacion nitong Enero 10 ng umaga.



Isinagawa ang operasyon sa tulong ng pulisya at militar, ayon sa PDEA.

Tinatayang aabot sa 1,000 gramo ng illegal drugs ang nakumpiska sa suspek na nasa kustodiya na ng PDEA.