Advertisers

Advertisers

2 drug suspek, timbog sa P150k shabu sa Malabon

0 8

Advertisers

Arestado ang isang tulak ng illegal na droga, at parukyano sa isinagawang buy bust operation sa Malabon City, nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ni Malabon Police Chief P/Col. Jay Baybayan ang naaresto na sina alyas “Jayz”, 21; at alyas “Bukol”, 42, kapwa residente ng Caloocan City.

Sa report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, 11:30 ng gabi nang ikasa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation kontra kay Jayz sa Dr. Lascano St., Brgy. Tugatog.



Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 22.26 grams ng shabu na may standard drug price value na P153,680.00, buy bust money at coin purse.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.(Beth Samson)