Advertisers

Advertisers

Bong Go umayuda sa nasunugan kasabay ng ‘Sinulog’ sa Cebu City

0 8

Advertisers

Pinatunayan ni Senador Christopher “Bong” Go ang kanyang pangakong magseserbisyo sa publiko at mangangalaga sa kalusugan sa kanyang pagbisita sa ‘Sinulog sa Lalawigan 2024’ sa Cebu City noong Enero 14.

Bago sumama sa mga pagdiriwang, tinulungan muna ni Go ang mga biktima ng sunog sa Barangay Carreta. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagbibigay prayoridad sa mga mahihirap na nangangailangan ng tulong.

Ipinahayag ni Go, tubong Bisaya mula sa Mindanao, ang kanyang pasasalamat sa suportang natanggap noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at inulit ang kanyang dedikasyon sa paglilingkod sa sambayanang Pilipino.



Binisita ni Go ang Brgy. Carreta at namahagi ng ayuda sa mga biktima ng sunog kamakailan.

“Nandito ako ngayong araw, bago ako pumunta dito, dumaan muna ako sa Brgy. Carreta dahil may mga nasunugan doon.”

“Matulungan man lang sila, makatulong sa mga proyekto na makapagpapaunlad sa komunidad, makatulong sa mga pasyente, at makapag-iwan ng kasiyahan sa panahon ng kanilang pagdadalamhati. Napakahirap ang masunugan, napakahirap ang maging mahirap kaya tulungan natin ang ating mga kapos na kababayan. Huwag natin silang pabayaan,” ani Go.

Bilang tagapangulo ng committee on health and demography and sports sa Senado, binalangkas ni Go ang kanyang mga pangunahing priyoridad.

Ang una ay ang patuloy na operasyon ng Malasakit Centers program, na may 159 centers na sa buong Pilipinas.



Sa Cebu City, ang Malasakit Centers ay matatagpuan sa Vicente Sotto Memorial Medical Center, St. Anthony Mother and Child Hospital, at Cebu City Medical Center. Samantala, mayroong iba pang Malasakit Centers sa Cebu Provincial Hospital sa Carcar City, Lapu-Lapu City District Hospital, Eversley Childs Sanitarium and General Hospital sa Mandaue City, at Talisay District Hospital sa Talisay City.

Si Go ang pangunahing may-akda at sponsor ng Republic Act No. 11463, o ang Malasakit Centers Act of 2019, na nag-institutionalize sa Malasakit Centers program.

“Sa mga pasyente, lapitan niyo lang ang Malasakit Center dahil para ‘to sa inyo. Kung may hospital bill kayo, nandiyan ang mga ahensya ng gobyerno na tutulong para mabayaran ito,” ani Go.

Nag-alok din siya na kung mayroong pasyente na kailangang dalhin sa Manila ay siya na ang sasalo at tutulong sa pagpapa-ospital pati pamasahe hanggang sa makauwi.

Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ni Go ang mga lokal na pinuno at opisyal para sa kanilang makabuluhang kontribusyon sa rehiyon. Nagsimula siya sa pamamagitan ng pagkilala sa huwarang pamumuno ni Gobernador Gwen Garcia.

“Ma’am, maraming salamat talaga. Saludo talaga ako, ma’am, sa iyong serbisyo noon sa panahon ng pandemya. Kita ang iyong political will kaya malaki ang narating ng Cebu,” sabi ni Go tungkol kay Gov. Garcia.

Nagpahayag din ng pasasalamat si Go kay Secretary Christina Frasco ng Department of Tourism (DOT) sa pagpapahusay ng sektor ng turismo sa bansa, lalo sa lalawigan ng Cebu.